Yung nag-OO na siya
Tapos biglang bawi
Yung sabi niya nandiyan na siya
Tapos pala hindi
Yung sabi niya OTW na
Pero bagong gising palang
Yung Sabi niya pupunta daw siya
Pero hanggang sabi lang
Yung sabi niya ikaw lang
Pero hindi ka pala nag-iisa
Yung nangako siya na walang iba
Pero mapapako lang din pala
Yung nag-bigay siya ng motibo
Pero yun pala pinaglalaruan ka lang
Yung akala mo parehas kayo ng nararamdaman
Pero oras mo sa kanya nasayang
Yung sabi niya mahal ka niya
Pero di ka naman ipinaglaban
Yung sabi niya maghihintay siya
Pero ka'y bilis ka namang iniwan
Ikaw? Ano ang paasa para sayo?